PANGKAT ETNIKO SA PILIPINAS

NOTE: This image is not for sale or intended for reproduction. I created this Pangkat Etniko sa Pilipinas chart for educational purposes only. Using this image for monetary gain is strictly prohibited!

TAGALOG

Mula sa katawagang “Taga-Ilog.” May panukala ding nagmula ito sa pangalan ng ilang tribo na mga Tagal, mula sa Borneo at Sumatra. Nabubuhay sila sa pagsasaka, at pangingisda. Pangunahing pananampalataya ang Romano Katoliko. Mayroon na silang kagawian sa pagsulat bago pa man dumating ang mga Kastila, isinusulat nila ang kanilang kaisipan sa mga dahon at sa mga sanga ng mga puno.

PANGASINENSE

Ang Wikang Pangasinan ay nasasailalim sa sangay Malayo-Polynesian. Lingayen ang kabisera ng lalawigan. Ang kanilang pangalan ay nangangahulugan na “Lupa ng Asin” o “Lugar ng paggawa ng Asin.” May saklaw na 5,368.2 kilometro kwadrado ang buong lalawigan at kabuoang populasyon na 2,434,086. Agrikultura ang pangunahing industriya. Isang promenenteng industriya ay ang paggawa ng bagoong.

ILOKANO

Ang Iloko ay wikang gamit ng halos kabuoan ng Hilagang Luzon. Mga pangunahing industriya nila ay paghahabi, pagsasaka, paggawa ng tabako, at pangingisda. Ang mga
produktong agrikultura ay kinabibilangan ng palay, mais, at bawang. Sa Ilocos-Sur matatagpuan ang mga sinaunang bahay kolonyal na itinayo ng mga Kastila sa lungsod ng Vigan.

KAPAMPANGAN

Ang salitang “Kapampangan” ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing ilog. Malalim ang kasaysayan ng Pampanga at ito ay itinuturing na sentro ng kulinaryo ng Pilipinas dahil sa karamihan ng populasyon nito ay magagaling magluto. Binubuo ng 2,180.7 kilometro kuwadrado ang buong Pampanga. Ang lalawigan ay binubuo ng 20 munisipalidad at dalawang lungsod.

BICOLANO

Ang Bikolano ay isang pangkat etnikong matatagpuan sa mga probinsya ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes, at hilagang bahagi ng Masbate. Kilala sila sa mga produkto tulad ng pili na ginagawang suspiros. Kilala rin sila sa kanilang putahe na ginagamitan ng gata na pinaanghang ng siling labuyo tulad ng laing at Bicol express.

BISAYA

Pangunahing naninirahan sa Kabisayaan at hilagang-silangang Mindanao. Cebuano, Hiligaynon, at Waray-waray ang mga pangunahing wika ng mga Bisaya. Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at sentro ng kalakalan, komersyo, at industriya sa gitna at timog na bahagi ng Pilipinas. Ang Nuestra Señora de Guadalupe ang patron ng Cebu.

PANGKAT ETNIKO NG VISAYAS AT MINDANAO.

MARANAO

MARANAO Nakatira sila sa paligid ng lawa ng Lanao. Ang kahulugan ng “ranao” ay lawa kung saan hinango ang kanilang pangalan. Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ng Maranao. Buo pa rin at hindi nai-impluwensiyahan ang kanilang kultura katulad ng disenyo ng damit, banig at sa kanilang mga kagamitang tanso.

TBOLI

T’BOLI Sa Cotabato nakatira ang mga T’Boli. Gumagawa sila ng tela para sa mga damit mula sa T’Nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka. Maaaring magasawa ng marami ang mga lalaki, nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Ang kanilang ikinabubuhay ay pangangaso, pangingisda, at pangunguha ng mga prutas sa kagubatan.

TAUSUG

TAUSUG Ang mga Tausug na nakatira malapit sa dagat ay mga mangingisda, at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas na kanilang ipinangpapalit ng tanso at bakal sa mga taga Borneo at ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu.

BADJAO

BADJAO Naninirahan sa Sulu. Samal ang kanilang wika. Nakaira sila sa bangkang-bahay na may iisang pamilya na binubuo ng dalawa hanggang tatlongpu. Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa din sila ng mga Vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Karamihan sa mga Badjao ay mga Muslim.

SUBANEN

SUBANEN Matatagpuan sa kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi ang kanilang kulay at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala sila na sa iisang ninuno lang sila nagmula.

BAGOBO

BAGOBO Matatagpuan sa mga baybaying golpo ng Davao. Maputi ang kutis at kulay mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang Bayani, ang Mandirigma, at ang pinuno ng mga ito ang Datu na tumatayong huwes, nag-aayos ng gulo at tagapagtanggol ng tribo.

YAKAN

YAKAN Sila lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsusuot ng malong ang lalaki at babae. isinusuot ng lalaking Yakan ang malong sa kaniyang ulo samantalang nakapulupot naman ito sa baywang ng mga babae. Patriarka ang uri ng lupaing Yakan. Maaari ding magpakasal ng higit sa apat ang lalaki kung may kakayahang magbigay ng sapat na kabuhayan.

MANGYAN

MANGYAN Nakatira sila sa liblib na pook ng Mindoro. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa kagubatan, pangisdaan at kalakal sa Mindoro. Sinaunang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang panitikan na napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito ng kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lalagyan ng nganga.

TAGBANUA

TAGBANUA Nakatira sa baybaying dagat sa gitnang Palawan. Pangingisda, paghahalaman at pangangaso ang kanilang kabuhayan. Makasampu ang kanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae, samantalang bahag naman ang kasuotan sa mga lalaki.

PANGKAT ETNIKO NG LUZON.

NOTE: This image is not for sale or intended for reproduction. I created this Pangkat Etniko ng Luzon chart for educational purposes only. Using this image for monetary gain is strictly prohibited!

EtnikoLuzon

Pangkat Etniko ng Luzon, Philippines

MGA PANGKAT ETNIKO NG LUZON

Tinguian

TINGUIAN

Tinguian- Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Naglalagay sila ng tatu at itim sa ngipin upang akitinang napupusuan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng isang asawa lamang at pinapatawan ng malaking multa ang pagtataksil sa asawa.

Kankanai

KANKANAI

Kankanai- Pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng Hilagang Luzon. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Kadalasan ang Kadangyan na tradisyonal na aristokrasya at ang mga matatanda ang may malaking impluwensiya sa lipunan.

Kalinga

KALINGA

Kalinga- Matatagpuan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahalaga sa kanila ang mga palamuting alahas sa buong katawan. Maaari silang magkaroon ng higit sa isang asawa. Bilang mandirigma at mamumugot, ginagawa nila ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang makaiwas sa digmaan.

Ivatan

IVATAN

Ivatan- Matatagpuan sa Batanes. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy. Madalas dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang kanilang bahay na yari sa bato, kogon at apog. Pangunahing ikinabubuhay nila ay ang pagtatanim ng mga halamang-ugat.

Isneg

ISNEG

Isneg- Kilala rin sa tawag na Ina-gang na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Ang pamayanan nila ay matatagpuan sa mga matarik na dalisdis at mababang burol na malapit sa ilog. Bigas ang pangunahing pagkain nila at ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, ilog at gubat.

Ifugao2

IFUGAO

Ifugao- Matatagpuan sa gitnang bahagi ng Luzon. Galing sa salitang “Ipugo” na ang ibig sabihin ay “mulasa mga burol” sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa nila ito sapamamagitan ng kanilang kamay. Mga kubong kuwadrado ang kanilang tipikal na pamayanan.

Ibaloi

IBALOI

Ibaloi- Matatagpuan sa Timog Silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloi ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense. Masisipag na magsasaka at may mga batas na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala din nila ang Pambansang Pamahalaan.

Gaddang

GADDANG

Gaddang- Tinatawag ding Iraya ang pangkat na ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya at Isabela.Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay nila.

Aeta

AETA

Aeta- Pandak, maitim, kulot ang buhok, itim ang mga mata, pango ang ilong at nakahabag. Pinaniniwalaang ang mga Negrito o Ita ay ang mga pinakaunang tao sa Pilipinas. Ang pangangaso at kaunting kaalaman sa pagtatanim ang pangunahing ikinabubuhay nila.