MGA PAMBANSANG ALAGAD NG SINING NG PILIPINAS.

Ang Pambansang Alagad ng Sining ay isang titulo na ibinibigay sa mga Pilipino na nakamit ng pinakamataas na pagpapakilala dahil sa makabuluhang pag-ambag sa kaunlaran ng mga sining Pilipino: Musika, Sayaw, Teatro, Sining Biswal, Panitikan,Pelikula, Sining-Pamamalita, Moda at Arkitektura, at Sining Pangkapanalig.

Ang Parangal ng Pambansang Alagad ng Sining ay pinamunuan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) mula sa kabutihang-loob ng Proklamasyong Pampanguluhan Blg. 1001 noong Abril 2, 1972 at ng Pambansang Komisyon sa Sining at Kultura (NCCA).

FERNANDO AMORSOLO (Mayo 30, 1892 – Abril 24, 1972) ay isa sa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas. Si Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909.

ANG KIUKOK (Davao, 1 March 1931-9 May 2005) ay isang Pilipinong modernong pintor na kilala para sa kanyang mga dibuho na may mga nakakatakot at nakakaistorbong imahen sa estilong cubist at expressionist. Noong 2001, itinuring siyang Pambansang Alagad ng Sining.Ipinanganak si Ang sa Lungsod Davao. Nagmula sa Tsina ang kanyang mga magulang, si Vicente Ang at Chin Lim, kaya unang sinusulat niya ang kanyang apelyido. Nag-aral siya ng pagpipinta sa estilong Tsino habang nasa murang edad pa siya. Nag-aral siya ng pagpipinta sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1952 hanggang 1954.

HONORATA DELA RAMA Si Honorata dela Rama ay isang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika at Teatro at pinarangalan bilang Reyna ng Kundiman noong 1979. Ipinanganak siya noong 11 Enero 1902 sa Pandacan, Maynila at lumaki kina Pastora Matias, at sa asawa nitong si Leon Ignacio. Ikinasal siya noong 1932 kay Amado V. Hernandez, isang makata.

LEVI CELERIO (Abril 30, 1912-Abril 2, 2002) ay isang Pilipinong kompositor. Siya ay nakasulat ng mahigit na 4,000 na mga awiting Pilipino na pambayan, pamasko at pag-ibig na ginamit sa mga pelikula. Kasali siya sa Guinness Book of Records dahil sa pagtugtog niya sa pamamagitan ng dahon. Siya ay ipinanganak noong 1912 sa Tondo, Maynila. Una siyang gumanap sa pelikulang Rosalinda ng PAM Pictures. Sinundan iyon ang pelikula nina Jaime dela Rosa at Prescilla Cellona na pinamagatang Sa Paanan ng Nazareno. Napasama rin siya sa pinakamalaking pelikula ng LVN Pictures, ang Casa Grande. Siya ay ginawaran ng titulong Pambansang Alagad ng Sining sa Musika at Panitikan noong 1997 ni Pangulong Fidel Ramos, na kinilala siya na isang Kompositor at Prolifikong Lyricista bilang tunay na kaganapan sentimientong makapuso ng sambayanang Pilipino.

ISHMAEL BERNAL ay kinikilala dito sa Pilipinas bilang isa sa mga pinakamahusay na direktor sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Ngunit bukod sa kanyang mga nagawang pelikula, nagdirek din siya maging sa telebisyon, gumanap ng iba’t ibang karakter sa mga palabas, at manunulat ng iskrip. Kung pag-uusapan naman ang kanyang mga pelikula, karamihan sa mga ito ay nagtatalakay ng mga isyu patungkol sa kababaihan at moralidad.

LINO BROCKA (1939-1991), na mas nakilala bilang Lino Brocka, ay isa sa mga pinakamahusay na direktor sa Pilipinas na pinarangalan at kinilala, maging sa ibang bansa. Tinalakay niya sa kanyang mga pelikula ang mga paksa na pilit iniiwasan sa lipunan. Ipinamalas niya rin ang pagiging diretso sa kanyang mga ideya at opinyon na malinaw ring matutunghayan sa kanyang mga pelikula. Kung kaya’t hanggang ngayon ay patuloy na pinapanood at hinahangaan ng mga tao mula sa iba’t ibang henerasyon dahil na rin sa mga sitwasyon at ideyang tumutugma sa kahit anong panahon dito sa bansa.

JUAN NAKPIL 1899-1986), unang Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura, ay ang unang Pilipino na nakasama sa American Institute of Architects. Ipinanganak siya noong 26 Mayo 1899 sa Quiapo, Maynila at supling nina Julio Nakpil at Gregoria de Jesus.

NAPOLEON ABUEVA sa gulang na 46, ang pinakabatang Pilipino na nakatanggap ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining. Siya rin ay kilala bilang Ama ng Makabagong Iskultura sa Pilipinas. Nagamit na niya halos lahat ang iba’t ibang uri ng materyal, mula sa matigas na kahoy (molave, acacia, langka, ipil, kamagong at kawayan) hanggang adobe, metal, bakal, semento, marmol, tanso, atbp.

F. SIONIL JOSE isinilang noong Disyembre 3, 1924), ay isa mga pinakabantog na mga Pilipinong manunulat sa wikang Ingles. Nagpapakita ang kaniyang mga nobela at maikling-kuwento ng mga sitwasyon at pakikibakang panlipunan at maging ng kolonyalismo sa Pilipinas. Naisalin ang mga gawa ni José sa 22 mga wika.

NICK JOAQUIN ay isang Pilipinong manunulat, mananalaysay ng kasaysayan at mamamahayag at kilala sa pagsusulat ng mga maikling kuwento at nobela sa wikang Inggles pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa maraming karanasan noong panahon ng digmaan, ang paksa ng kanyang mga tula ay iba-iba ukol sa makatotohanan at buhay na buhay kaya malapit sa karanasan ng mga mambabasa. Kinikilala rin siyang Quijano de Manila bilang pangalang-panulat. Siya ay ipinalalagay na isang higante sa larangan ng pagsusulat. Ang wika ng kanyang panulat ay malambing at masining.

PAMBANSANG ALAGAD NG SINING

Mga Pambansang Alagad ng Sining

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s